ang cute na walang e
explain explain explain
para akong binangungot
bangungot na hindi ko makalimutan
hindi maalis sa isipan ko na pinagtiyagaan lang ako
na ako yung consolation prize
na yung best brand ay hindi kaya
kaya yung affordable na brand na lang ang binili
hindi ko alam kung bakit
pero ansakit talaga nung analogy na yun
kung napupunit lang ang blog
eh pinunit ko na siguro yun
hindi ko alam kung bakit nabasa ko pa yung bwiset na blog na yun
bakit pa kasi ako nagupdate ng skin ng blog ko
hindi ko alam kung ngkakamali lang ako ng pagkakaintindi
hindi ko alam kung gusto talaga niyang manakit
may pinabasa siya sa kin dati
may linya yung ganito:
"I don't want to be sixty years old and married to my
second-best choice, wondering what ever happened to
the one who got away."
hindi ko alam kung bakit siya nagtataka na ganun ang
pagkakaintindi ko sa blog niyang iyon
samantalang parang anlaking issue sa kanya nung salitang ito
"settling"
ako e ni minsan hindi ko naisip ang term na yan
walang kakwenta kwentang term
puro kalungkutan lang ang dulot
at depression, pakiramdam na hindi ka kuntento
na hindi pwede sa mga taong madaling magsawa
at mawalan ng gana sa mga bagay
hindi ko siya maintindihan
magulo siyang mag-isip
dapat siguro eh hindi ko na lang sineryoso ang mga sulat na yun
maaaring mali rin ako ng pagkakaintindi
maaaring mali talaga ako
pasensiya ka na luv
pinaliwanag ko lang ang naisip ko
PS
comedy nga yung
better than your ex, better than your next
0 comments:
Post a Comment